Teacher humingi ng sorry matapos na hindi sila nagka intindihan ng kaniyang estudyante

Teacher humingi ng sorry matapos na hindi sila nagka intindihan ng kaniyang estudyante

Teacher humingi ng sorry matapos na hindi sila nagka intindihan ng kaniyang estudyante
Trending at talaga namang usap usapan ngayon sa social media ang mga posts ng isang guro patungkol sa nagiging usapan nila ng kaniyang mga mag aaral.

Kamakailan nga ay nag viral ang isang posts ng isang guro na si Joemar Ancheta matapos na humingi siya ng paumanhin sa kaniyang estudyante dahil sa hindi nila pagkakaintindihang dalawa.

Sa kaniyang pakikipag usap sa kaniyang estudyante ay tinanong niya ito ng kung ano ang plano nito matapos na makakuha ng INC na grado o Incomplete.

"Ano nak?, Wala ka bang plano? INC ka pa rin," sabi ni Ancheta.

Na nireplyan naman ng estudyante ng "Anong plano sir? Oo sir. INC pa rin ho ako. Bkt (bakit) po?"

"Sige ibaggsak na lang kita," agad na reply ni Ancheta.

"Kailangan b(a) magingg katoliko?," sabi ng estudyante na tila nagkamali ng intindi sa sinabi sa kaniya ng kaniyang guro.

"Anong sinasabi mo?, You need to comply sa mga requirements mo para may grabe ka. INC means incomplete," agad na reply ng guro.

"Linawin nyo ho kasi."

At agad na humingi ng tawad ang guro; "Sorry naman PO."

"Ok sir. No problem po," reply naman ng guro.




Naging usap usapan nga ang naging pag uusap na ito ni Ancheta at ng kaniyang mag aaral, ipinaliwanag naman ni Ancheta na ikinagulat niya umano ang naging pag uusap nila ay naiintindihan naman niya ang kalagayan ng kaniyang mga estudyante.

"Naiintindihan ko kasi mga pinagdadaanan din nila. Kami nga na sa isang subject lang naka-focus, nahihirapan. Paano pa sila na 8 subjects," ani ni Ancheta ng makapanayam siya ng Philippine Star.

Nagbahagi rin ng advice si Ancheta sa kapwa niya mga Guro:

"Sana (sa) mga kasama (kong) teachers, mas lawakan ang pang-unawa at kami ang dapat mangumusta sa mga bata. Huwag sila bigyan ng maraming activities at bigyan ng sapat na panahon na mag-comply ang mga bata."

"Mas mainam na mag-ingat din sa abbreviations hehe baka kasi iba meaning sa mga ibang bata. Kung kaya spell out, i-spell out na lang po para iwas miscommmunication," dagdag nito.

Sa panibago pa ngang posts ng guro ay marami ring natawa matapos na ibahagi rin niya ang naging pag uusap nila ng isa pa niyang estudyante na nagtatanong kung bakit wala pa siyang grado na natatanggap.

"Sinasabi ko lagi use you real name please! Make sure na real account and picture ninyo gamit sa pagcommunicate sa akin. Pati pagpasa ng requirements. Gigil na gigil ako," ani nito sa kaniyang post.



All Photos credit to Joemar Ancheta.