"Not Guilty", ito ang inihain ng kriminal at mamamatay taong pulis na si Jonel Nuezca, matapos na hindi sumipot sa hearing nito.
Saa programang Wanted ng batikang broadcaster na si Raffy Tulfo ay ibinahagi ng abogado ng pamilya Gregorio na si Atty. Freddie Villamor ang nasabing balita.
Sa kwento ni Atty. Villamor habang nasa korte sila, para sa hearing na isinagawa sa Branch 67 ng Paniqui Tarlac, kasama ang ilang miyembro ng pamilya ng namatay na sina Frank at ina nitong si Sonya Gregorio ay hindi umano sumipot si Jonel Nuezca.
Dagdag nito na hindi nga sumipot si Nuezca sa kadahilanang sumasailalim pa ito sa quarantine.
Naisagawa ang nasabing hearing sa pamamagitan ng video call at dito ay binasahan na umano ng demanda ng 2 counts of murder si Nuezca.
Ngunit ang nakakapang init ng ulo ay ang pag plea nito ng "Not Guilty" sa harap ng pamilya Gregorio, o sa madaling salita ay sinasabi nitong wala siyang kasalanan sa pagpatay sa mag inang Gregorio, sinasabi ni Nuezca na wala siyang nilabag na batas sa pagkaka baril nya sa walang kalaban laban na mag inang Frank at Sonya.
Dahil sa pangyayaring ito ay walang kasiguraduhan ang pananatili sa kulungan ng suspek na si Nuezca, lalo pa't maging ang PNP chief na si Debold Sinas na ang nagsabi na hindi raw umano magiging malakas na ebidensya ang nag trending na video ng pagbaril nito sa mag ina.
Ayon naman sa kaanak ng mga biktima, maraming witness ang handang tumestigo laban sa krimen maging ang mga menor de edad na kumuha ng video sa nangyaring krimen.
Matatandaang kalagitnaan ng Disyembre ng umalingawngaw sa social media ang video ng pagbaril ni Nuezca sa mag inang Sonya at Frank ng dahil lamang sa pagpapaputok ng huli ng boga na ikinagalit ni Nuezca.