Isa sa suspect sa case ni Christine Dacera, nagsalita na!

Isa sa suspect sa case ni Christine Dacera, nagsalita na!

Isa sa suspect sa case ni Christine Dacera, nagsalita na!
Naging maugong at bulong bulungan nga sa social media ang naging karumaldumal na pagkamatay ng Flight Attendant na si Christine Dacera.

Ayon sa inisyal na report na inilabas ng Philippine National Police ay nakipag kasiyahan si Dacera sa labin isang kalalakihan sa pagpasok ng taong 2021 na karamihan ay kaibigan nito.

Enero a uno ng tanghali ng matagpuan na lamang na walang buhay sa isang butthub ng hotel si Dacera.

Ayon pa sa report ay na rape umano si Dacera at kinakitaan ng pasa sa katawan na nag uwi sa pagkakaroon ng Anuerysym na siyang naging pangunahing dahilan ng kanyang pagkasawi.

Inilabas ng PNP ang pangalan ng labing isang kalalakihan na di-umano'y suspects sa pagkasawi ni Dacera, ilan pa nga dito ay mga gay friends umano niya at kasamahan sa trabaho.

Lumitaw naman ngayong araw ang facebook post ng isa sa mga tinuturong suspect na siyang malapit na kaibigan ni Dacera.

"The truth will set us all free. I don't need your apologies when that time comes but please offer it through prayers for Tin and her family. I will not deactivate my social media kahit i-bash niyo pa ako nang i-bash," ani ni Ray Englis.

"Christine Dacera wherever you are now. Always remember. Mahal na mahal ka namin. You are a family to us. Hindi ko na sana kailangan sabihin tuh dahil alam ng mga real friends natin yan na mas kilala tayo"

"Alam mo yan. We will try to survive these harassments and fake news spreading kahit na halos di namin kaya." Pati mga pamilya namin nadadamay na"

"Nagdadasal kame. God is our witness and you Tin. I know di ka na natutuwa sa mga nangyayari. Matatapos din ang investigation and this too shall pass. Rest in peace. You will always have a spot in our hearts"



Magpasa hanggang ngayon ay wala pang kasunod na report na inilalabas ang PNP hingil sa naturang kaso.

Maraming bersyon ang patuloy na pinag uusapan at pinag bubulong bulungan ngayon sa Social Media, kaakibat ang katanungan kung ang inilabas umano ng PNP ay ang tunay na bersyon ng pangyayari lalo pa't tatlong araw matapos ang pangyayari at saka pa lamang nito inilabas sa publiko ang kaso.