Ngayong araw inilabas na ang pinal na resulta ng imbestigasyon hingil sa pagkamatay ng PAL Flight Attendant na si Christine Dacera.
Ayon sa report ay pumanaw umano si Dacera sa pamamagitan ng natural death dahil sa pagkakaroon niya ng Aortic Aneurysm o ang paglaki ng kaniyang puso.
Sa medico legal na inilabas din ng PNP ay inalis na ang homicide at napatunayang natural death ang sanhi ng pagkamatay ni Dacera.
Pagkawala ng dugo at paglaki ng puso ni Dacera ang pangunahing dahilan ng pagpanaw nito, ayon na rin kay medico legal officer Police Lt. Col. Joseph Palmero mula sa isinumiteng dokumento.
Sa dagdag na impormasyon ay lumaki ang puso ni Dacera na tumimbang pa sa 500 grams kung saan tinatayang 300 grams lamang ang sa normal na timbang ng puso.
Inaalis na rin sa imbestigasyon ang Rape o ang Drug overdose na siyang isa pang nakikitang anggulo ng mga netizens matapos na pumutok ang kasong ito.
"Rape and/or drug overdose will not result (in) the development of aneurysms. Even overdose and ruptured aneurysm are two different conditions and cannot be both included as cause of death of a patient," dagdag pa niya.
Matatandaang pumutok ang balitang ito noong unang linggo ng Enero matapos ibinalita ng PNP na cased close na ang kaso at sinabing na rape si Dacera ng mga lalaking kaibigan nito.
Ilang araw matapos na ibinalita ng PNP ang kanilang inisyal na imbestigasyon ay lumitaw ang mga nakasama ni Dacera at tahasang sinasabing hindi nila pinatay o ginahasa si Dacera.
All Photos credits to Jeck Battalones | ABS-CBN News