Isang Matamis na ngiti!, Ito ang ang isinalarawan ng isang netizen matapos na personal niyang ibigay ang kaniyang obra sa kaniyang iniidolo.
Ayon sa kwento ni John Marko ay nilikha umano niya ang kaniyang mga obra habang quarantine, dalawang buwan niya itong ginawa bago pa man magsimula ang online class niya.
Sa kaniyang facebook account ay ibinahagi ng netizen na si John Marko David Dadulo ang mga litrato at video kung saan ibinigay niya ang kaniyang artwork para kat Efren "Bata" Reyes.
Nakangiting tinanggap ni Efren ang mga artwork na gawa ng artist na si John ng personal niya itong tanggapin.
Ayon sa kwento ni John Marko ay nilikha umano niya ang kaniyang mga obra habang quarantine, dalawang buwan niya itong ginawa bago pa man magsimula ang online class niya.
Bahagi pa niya na bata pa lamang siya ay iniidolo na umano niya si Efren Reyes pagdating sa larangan ng pagbi bilyar.
"Bata pa lang ako idol na idol ko na siya, lumaki ako na may bilyaran sa likod ng bahay ng lolo't lola ko. Lagi kong naririnig ang pangalan niya," ani ni John
"Hanggang sa napanood ko siya one time sa tv. Bumilib ako sa mga parang magic na style niya sa billiards, mula noon hangang sa ngayon, idolo ko na siya," dagdag pa nito ng ma interview siya ng News5.
Kaya labis labis umano ang naging kasiyahan niya ng masayang tinanggap ni Efren ang kaniyang mga artwork at kaakibat nito ang masaya pang pagpi-picture nilang dalawa.
"Nakakawala po ng pagod at naramdaman ko po na sulit 'yung pinagpuyatan kong artwork na para sa kanya."
All Photos credit to: John Marko David Dadulo