Case not yet closed!, Ito ang tila sigaw ngayon ng pamilya ng yumaong PAL Flight Attendant na si Christine Dacera.
Hindi raw umano naniniwala ang pamilya ni Tin sa bagong report na inilabas ng PNP patungkol sa pagkamatay nito.
"The medico-legal report ni Dr. Palmero is not a medico-legal examination, dahil sa 'yung bangkay ni Christine eh nalibing na noong January 11. It was buried on January 10 so there was no way he could have examined the body on January 11," pahayag ni Atty Roger Reyes na siyang abogado ng pamilya Dacera sa DZMM.
Sa report kasi na inilabas ng PNP ngayong Jan. 27 ay mula pa noong Jan. 11 report kung saan sinabi rito na namatay umano si Christine ng natural death noong January 01 dahil na rin sa Aortic Aneurysm o ang abnormal na paglaki ng kaniyang puso.
Naniniwala umano ang pamilya ni Dacera na hindi Aortic Aneurysm ang ikinamatay nito lalo pa at makikita umano sa litrato ng bangkay nito ang mga pasa sa katawan.
"The Dacera family disputes that. They believe that she was spiked with drugs and sexually molested in either (room) 2207 and 2209 and that contributed to her death," ani ni Reyes.
"Hindi lang dahil sa sequence chain or procedure, but talagang we believe there is an intent to cover-up the cause of the death of Christine Dacera," dagdag pa nito.
Para umano sa pamilya Dacera ay hindi pa panahon upang isara ang kaso na ito ng pagkamatay ni Tin.
"This case is definitely not closed, and we have to identify additional respondents in Room 2207," ani Reyes.