"Sana'y wag magaya sa tatay ko na di nabigyan ng hustiya": Vice Ganda sa mag Inang pinatay ng Pulis

"Sana'y wag magaya sa tatay ko na di nabigyan ng hustiya": Vice Ganda sa mag Inang pinatay ng Pulis

"Sana'y wag magaya sa tatay ko na di nabigyan ng hustiya": Vice Ganda sa mag Inang pinatay ng Pulis

Trending at talaga namang pinag uusapan ngayon ang pangyayari ng walang awang pagpatay ng isang Pulis sa Mag-Ina sa Tarlac.

Ito ay sina Sonya Gregorio at Frank Anton Gregorio na pinatay ng Pulis na si Jonel Nuezca na na-viedohan ng kaanak ng mga biktima.

Kabi kabilang kumento at galit ang inilabas ng Netizens hingil sa karumaldumal na pangyayaring ito.

At nakarating nga ang balita maging sa Kapamilya Comedian and TV Host na si Vice Ganda na nagbahagi ng kanyang saloobin sa pangyayari.

"Natulala ako matapos ko mapanuod ung video.", Panimula ni Vice sa kanyang tweet.

Sa kanyang pagbabahagi ay bumalik umano sa kanyang alaala ang pangyayari sa kanyang ama na binaril sa Maynila noong 1991.

"Bumalik yung trauma ko. Bumalik lahat ng pilit ko ng ibinabaon na alaala.  Ung putok ng baril. Ung itsura nung tatay ko na parang baboy na sinasakay sa jeep. Ung  mukha ng demonyo. Ang bigat ng nararamdaman ko.", Pagbahagi niya.




Sa sumunod na tweet pa nga ni Vice ay hiniling niya na sana'y huwag magaya ang pamilya Gregorio sa kanilang pamilya na naging manhid na lamang sa pangyayari matapos na hindi nila nakamit ang hustiya sa pagkamatay ng Ama.

"Sana’y wag silang magaya sa Tatay ko na di nabigyan ng hustisya. Sana’y wag silang magaya sa pamilya namin na namanhid na lng sa tagal ng paghihintay ng katarungan."

"Sana wala ng makaranas ng kasamaang ito.",  pagtatapos ng kanyang tweet na may kaakibat pang hashtags na JusticeforSonyaGregorio, JusticeforFrankGregorio at StopTheKillingsPH.



Samantala sa pinakabagong kaganapan ng nasabing krimen ay sumuko na ang Pulis na pumatay sa Mag ina.

Lumabas din sa imbestigasyon na makailang ulit na palang na ireklamo at nakatanggap ng Kaso si Nuezca kabilang ang dalawang kaso ng Homicide na na-dismiss lamang dahil sa kakulangan ng ebidensya.