Parol Maker, nanlumo at naiyak dahil sa P100,000 order na hindi na kukunin ng Buyer

Parol Maker, nanlumo at naiyak dahil sa P100,000 order na hindi na kukunin ng Buyer

Parol Maker, nanlumo at naiyak dahil sa P100,000 order na hindi na kukunin ng Buyer
Trending at Usap usapan ngayon ang nakakalungkot na Video ng isang Parol Maker na ipinost ng Netizen na si Arlene Simon.

Sa kaniyang post ay may caption pa nga ito na; "Dina kukunin yan ng buyer sayang 100k lahat ng bayad yan paano na ako baon nanaman ako sa utang."

Sa nasabing Video pa nga ay makikitang nakasabit ang lahat ng parol na vinideohan nila, at may ilan pang kasamahan niya ang siyang tinatapos ang ilang parol.

Sa isa pa ngang Facebook post ay ipinakita pa niya ang litrato niya na naiiyak na lamang sa mga pangyayari at may caption pa na; "Di ko mapigilan umiyak."



Sa kasalukuyan nga ay umabot na sa higit 1.6M views ang nasabing Video niya kung saan umani ng kalungkutan dahil sa malaking kawalan ng pera na ito.

Karamihan nga ng mga Netizens ay tina tag pa si Raffy Tulfo upang sana'y matulungan siya nito at sinasabing nawa'y mabili pa rin ang parol nila upang makabawi sa nagastos nila.

Ngunit makalipas ang isang araw ay may magandang balita na nga ang si Arlene sa kanyang panibagong Facebook Post.

Sa kaniyang panibagong post ay makikitang binibigay na nila ang Parol sa mga Staff ni Mayor Isko Moreno.

"Maraming Salamat po Mayor", sabi nito sa kaniyang post.



Malaki rin ang naging pasasalamat ng Netizens kay Mayor Isko Moreno dahil sa pagpakyaw nito sa nasabing mga Parol.

"Galing mo mayor...
Nakatulong kana...
Mapapaganda mo pa ung lugar kung san mo ilalagay lahat yan... 
Good job 👏👏👏"

May iba naman na nagbigay suggestion sa kanila upang sa susunod ay hindi na sila maloloko pa.

"godbless sir.. next time down payment muna bago gawa.. meron talagang mga bugos na buyer..."