Mga Damit na Donasyon para sa mga Taga Rizal, itinapon lamang sa ilog?

Mga Damit na Donasyon para sa mga Taga Rizal, itinapon lamang sa ilog?

Mga Damit na Donasyon para sa mga Taga Rizal, itinapon lamang sa ilog?
Ikinalungkot at ikinabahala ng ilang Netizens ang eksena ng mapansin nila ang hindi magandang pag trato ng ilang nasalanta sa mga donasyon na ipinahatid sa kanila.

Sa Facebook post ni Sidney Batino, ibinahagi nito ang mga litrato ng mga donasyon na Damit kung saan itinapon at hinayaan lamang.

"Para po sa lahat na magbigay ng relief sa Rizal ,Sana po maiibigay sa mas deserved na bigyan para po hindi matulad nyan itinapon lng sa kalsada at sa ilog.", pagsisimula ni Sidney sa kanyang Post.


credit to Sidney Batino from Facebook

"nakakasama lng ng loob pag nakita mo na ganyan mangyari na binigay mong tulong sa kanila.", paghihinayang nito.

credit to Sidney Batino from Facebook

"Hanap po tayo ng mas nangangailangan ng tulong yung hindi masayang yung efforts at pagod." dagdag pa nito.

credit to Sidney Batino from Facebook

Hindi nga ikinatuwa ng ilang Netizens ang kanilang nasaksihan kaya naman maging sila kagaya ni Batino ay nagpahayag ng pagkadismaya.

"Halla sayang nmn.. Pinag hirapan yan. Tas itatapon lng sana nmn po nd nlng nla tinanggap.. Para na ipamigay sa iba. Nkka walang gana nmn yang ganyan..", sabi ng isa.

"Grabi nmn yan bro Sidney Batino bago pa madala yan jan hirap at pagod traffic lahat na nadanasan tapos ganan lang nangyare ano." Sabi naman ng isa pa.

May isa naman na nagsabing dapat talaga ay Pagkain na lamang ang ibigay na relief sa mga nasalanta kesa mga Damit.

"Masmaganda jan pagkain talaga ang ibigay. Kc pag ganyan talaga medyo mahirap kc kong wala naman talagang pding magkasya sakanila. Sympre ganyan talaga ang mangyari jan. Sasama lang loob natin kaya kongnmaari pagkain nalang talaga."

Nauna ng naipahayag ng DSWD na sa panahon ng sakuna ay marapat lamang na magbigay ng Donasyon sa pamamagitan ng Pera o Pagkain dahil hindi raw ang pagbabahagi ng gamit na damit ay nagbibigay pa impresyon sa mga nasalanta na lalong ikakababa ng kanilang moralidad