Lasing na Babae ayaw pagbilhan, nag-amok sa Convenience Store dahil sa di pagsusuot ng Face Mask

Lasing na Babae ayaw pagbilhan, nag-amok sa Convenience Store dahil sa di pagsusuot ng Face Mask

Lasing na Babae ayaw pagbilhan, nag-amok sa Convenience Store dahil sa di pagsusuot ng Face Mask
Sa kasalukuyan nga ay higit sa Siyam na buwan ng nakasa ilalim ang malaking porsyento ng bansa sa Community Quarantine dahil na rin sa Pandemya.

At ang isa sa pinaka mabisang paraan upang mapigilan ang malawakang paglaganap ng virus na Covid-19 ay ang pagsusuot ng Face Mask at Fase shield.

Ni re require tayong lahat na mag suot nito kapag tayo ay nasa labas ng bahay, lalo na kapag papasok sa isnag establisyemento.

Ngunit Viral at Trending ngayon sa Social Media ang isang tila Lasing na Babae na nakuhanan ng Video habang kinukompronta ang crew ng isang Convenience Store.


Mapapansin sa Video na ini upload ni Jude Paremo ng Pasay City ay ay nag aamok ang isang Lasing na Babae matapos di-umano na hindi ito pagbilhan ng nga crew dahil sa hindi nito pag susuot ng Face Mask at Face Shield.



Sa caption pa nga nito sinabi na:

"I feel sorry sa staff ng Store.
Di naman mabigat sa ating mamayan kung susundin natin ang Pagsuot ng Faceshield at facemask, tapos kung bastusin at sabihing "patay gutom" ang mga nagtatrabaho lamang ng maayos. 👎"


Mapapanood sa nasabing Video ang galit na babae na sinasabi pa na siya raw mismo ang may-ari ng nasabing Convenience Store na pinagta trabahuhan ng mga Crew.

Sinagot naman sya ng mga Crew na hindi raw nila kilala ang pinaka may ari, bagkus sila ay nagta trabaho lamang at nais lamang sundin ang policy na pinaiiral ng nasabing Store.



Makikita rin sa Video na ang lasing na babae lamang ang tanging walang suot na Face Mask at Face Shield.

Kinikilala pa nga sya ngayon bilang "Karen of Philippines", dahil maihahalintulad umano sya kay Karen ng America na hindi rin pinagbilhan ng Staff ng isang Establisyemento dahil na rin sa ayaw nitong mag suot ng Face Mask at Face Shield.

Panoorin ang kanyang pag aamok dito: