Hindi na bago sa ating mga pinoy ang oabi kabilang reunion sa tuwing sumasapit ang pasko.
Isa nga ito sa mga bagay na pinaghahandaan natin tuwing pasko dahil ito ang panahon ng muling pagkikita kita ninyong magpapamilya.
Mga tito at tita na matagal mo ng di nakikita, mga pinsan na dati'y kalaro mo na ngayon ay malalaki na, at ang Lolo at Lola mo na lagi mong na mi miss.
Ngunit bukod sa Reunion na ito ay hindi rin maiiwasan ang mga katanungang taon taon na lamang ibinabato sa iyo ng mga tito at tita mo, pati na ng lolo at lola mo.
Sa kanyang twitter account ay ibinahagi ni Jennylyn Mercado ang panawagan niya na sana'y matigil na ang isang Filipino toxic trait na tila para sa kanya ay isang uri ng body shaming.
"Can we discontinue this toxic Filipino trait na tuwing nagkikita ang hilig mag komento tungkol sa physical looks ng iba tulad ng -
“uy tumaba ka” It’s not okay." sabi niya.
"First of all it’s rude, second it may trigger some people na may Ed. Maling mali." dagdag pa niya.
Marami naman agad ang nagkumento sa kanyang tweet na ito, na ang ilan ay agad na sumang ayon at idinagdag pa nga ang iba pang toxic filipino trait.
Ibinahagi ng isang netizen ang ilan sa mga nakaka pressue at nakaka stress umanong mga tanong sa isang family reunion.
"Or maybe yung "Bat wala ka pang anak?" 😔 Kung pwede lang sabihin na. Hello? We're trying, we're doing everything just to have one at least. But you can't tell your story to everyone naman. Nakakapressure lang. Nakakastress na! They don't know the struggle kaya. ðŸ˜ðŸ˜", sabi ng isa.
"Sa totoo lang ang toxic ng trait ntin na ito, dito sa germany so far never kong na experience macommentan about my size, minsan parang sila pa na ooffend pag sinasabi kong mataba ako, like hindi nman daw ako mataba, pero pag vcall ako sa pinas puro size ko comment 😔' sabi naman ng isa pa.
"Aside from discouraging toxic traits, we should teach and promote mindfulness to all Filipinos."
"Comments like “Kailan ka mag aasawa? Bakit parang tumaba ka? Kailan kayo mag-aanak?” not only invade private lives, but is also rude.", dagdag naman ng isa.
At may isa naman na tila nagsabi na tayo na lamang dapat ang mag adjust para sa kanila; "Kung ayaw mo mapuna, alagaan mo sarili mo ganun lang yun."
Ikaw para sa iyo dapat na bang mawala ang Toxic Filipino trait na ito lalong lalo na sa bawat Family Reunion?