Hindi nga maikakaila ang kahirapan ngayon ng buhay lalo pa at nakararanas tayo ng Pandemya.
Ngunit hindi ito naging hadlang sa isang Grade 9 Student sa Valenzuela City dahil sa gitna ng kahirapan ay patuloy siyang lumalaban.
Sa kanyang Facebook Post ibinahagi ng isang Netizen na si Benj Gonzales ang litrato at kwento ng isang bata habang nagtitinda ng kanyang panindang prutas.
Ngunit napansin niya na sa mga prutas ay naka kubli ang isang Laptop na siyang ginagamit nito umano para sa kanilang Online Class.
Narito ang kabuuan ng kanyang Post:
"Namelengke ako kanina sa Marulas Public Market Valenzuela City. Kay mahal talaga ng mga bilihin. Nasa check list ko ang bumili ng prutas para sa asawa kong buntis."
"Ang mahal ng prutas sa loob ng market kapresyo ng savemore. Naisipan kong bumili na lang sa labas sa mga naka kariton. Nde ako nagka Mali mas mura nga kesa sa loob ng palengke. Nakilala ko tong batang tong si Mike isang vendor ng prutas. Na curious ako kung bakit sya may laptop."
"Sabi nya nagoonline class daw sya. Nakita ko din yung mga module nyang madami at makapal na stack ng papel. Napa wow talaga ako sa kanya at data lang sa cellphone ang gamit naka Hotspot lang laptop nya."
"Grade 9 sya sa Valenzuela National High school. Sa gitna pandemic at mga nangyayaring hindi maganda sa mundo ngayon dahil sa pag taas ng mga bilihin, kahirapan eto pa rin si Mike pa tuloy na nagpupursige at nagsusumikap at nag aaral habang nagtitinda sa gitna ng taas ng araw."
"Nakaka inspire etong batang to kase may mga ibang batang kumportable sa kanilang bahay malakas ang wifi at iba naka aircon pa eh na gagawa pang magreklamo sa dami ng module na kanilang sinasagutan. Nakaka tuwa tong batang to bukod sa magalang na masipag pang magaral habang nagtitinda."
"God bless you and your family. Ipagpatuloy mo yan I'm sure malayo ang mararating mo sa buhay. Dasal at sipag lang kaya mo yan. Hindi ko to pinost para magpaka trending kundi, sana ay kapulutan ng aral at inspirasyon ng mga ibang bata."
"Maging thankful na lang kayo na kumportable kayo sa mga bahay nyo. Mike, bukas ang aming tahanan kung kailangan mong maki wifi. Mabuhay ka!"
Talagang namang sa kabila ng hirap ng buhay basta may pangarap ka at sasamahan ng pagsusumikap, walang imposible.