Ivana Alawi, namahagi ng relief goods para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses

Ivana Alawi, namahagi ng relief goods para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses

Ivana Alawi, namahagi ng relief goods para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses
Sa nagdaang mga araw nga ay pinasok na naman ng malaking dagok ang ating bansa, matapos ang magkasunod na pananalasa ng dalawang malakas na bagyo.

Labis na napinsala ang Marikina at ilang bahagi ng Metro Manila, maging ang pinaka na apektuhang lugar ng Cagayan at Isabela.

Dahil ito sa Super Typhoon Rolly at Typhoon Ulysses na magkasunod na binayo ang ating bansa.

Dahil sa pangyayari ay tinatayang bilyong ari arian ang tuluyan ng nawasak, at ilang pamilya ang labis na naapektuhan sa pangyayari.

Samantala kabi-kabila na ang naging Relief Giving Operations para sa ating mga kababayan na labis na nasalanta ng mga nasabing bagyo.

Kabilang dito ang YouTube Vlogger / Actress na si Ivana Alawi na ibinahagi sa kanyang Facebook Account ang mga larawan kung saan nagpa pack sila ng mga relief goods.

"Repacked and distributed relief goods para sa mga naapektuhan ng Bagyong ulysses dito sa Isabela at Cagayan ❤️" ani ni Ivana sa Caption.

Umani nga ng papuri ang ginawang ito ni Ivana Alawi na labis na ikinatuwa ng Netizens.


"This lady is most Beautiful Girl I've ever seen. Because of her GOLDEN HEART and down to earth attitude! She is really ONE OF A KIND. For me she is much better than a beauty queen.", Sabi ng isang Netizen.


"God bless alawi family
Sigurado proud papa nyo sa inyo..ang apelyido nya nakikilala buong pilipinas dahil sa magandang loob ng kanyang mga anak at asawa.", bahagi naman ng isa na nakasisigurong proud umano ang ama nito sa kanya.

"Isang tunay na dapat tularan Isang taong my mabait na puso matulungin at hndi madamot I salute you idol iloveyou hope na mging kagaya kta .... ikaw n talaga ikaw na para Kang c angel locsin idol ko kayo talaga", sabi naman ng isa na inihalintulad si Ivana kay Angel Locsin dahil sa parehong mabubuting gawa nila.

©️ Photos by Ivana Alawi Facebook Page