GMA Writer Suzette Doctolero, tama lang daw na tagpi tagpi at butas butas ang kasuotan ng mga Magsasaka?

GMA Writer Suzette Doctolero, tama lang daw na tagpi tagpi at butas butas ang kasuotan ng mga Magsasaka?

GMA Writer Suzette Doctolero, tama lang daw na tagpi tagpi at butas butas ang kasuotan ng mga Magsasaka?
Nito ngang nagdaang araw ay naging usap usapan ang panibagong module mula sa DepEd, kung saan makikita ang litrato ng nga Magsasaka.

Sa nasabing litrato nga ng pamilya ng mga Magsasaka ay mapapansing Tagpi tagpi at butas butas ang kanilang mga kasuotan.


Inalmahan nga ito ng maraming Netizens dahil tila masyado raw minamaliit ng DepEd ang tingin nila sa mga Magsasaka na hindi umani makabili ng maayos na kasuotan.

Samantala ibinahagi naman ng GMA Writer, Encantadia Creator Suzette Doctolero sa kanyang Twitter Account ang pagsang ayon nya sa DepEd Module na ito, at tama lamang daw ang representasyong ito.

“Ah e ano ba akala sa damit ng mga magsasaka at pamilya? Branded? Tama ang drawing,” paniluma nito.

“Miserable ang buhay ng mga magsasaka natin. Nagkakabagong damit lang ang magsasaka ‘pag may libreng tshirt sa hardware (tuwing pasko) o give away sa election,” dagdag pa niya.


Sa nasabi pa nyang tweet ay dinugtungan nya pa ito ng pagpapaliwanag pa niya, matapos mag kumento ang ilang Netizens na hati ang reaksyon sa kanyang pahayag.

"Imagine this, 6 mos bago mahinog ang palay tapos ibebenta ng 12 pesos per kilo lang. ibabawas sa lahat ng gastos: upa ng lupa o share ng may aru, fertilizer, insecticide. Pangkain na lang ng magsasaka ang matitira at kulang pa. Asa sa bigay na lang ang mga damit nila." Sabi nito.

"Di ba? Sobra hirap ng buhay. Kung sino pa ang nagpoprovide ng pagkain, yun pa ang hikaos. Give away na tshirt nga lang mula sa mga hardware, tuwing pasko, ang madalas na bago." Dagdag pa nito.


Binura na ni Suzette ang nasabing tweet ngunit pinagtibay nya ang kanyang mga sinabi sa kanyang panibagong tweet.

"Ang point ko: api ang mga magsasaka, sila ay nasasamantala!  Hindi iyan panglalait.  Totoo iyan!   Kaloka." Aniya.