Nakakalungkot ngang isipin na ang isang Pinoy ay nakakapag isip ng Mali dahil lamang sa kahirapan sa buhay.
Inaresto ang isang Ama dahil sa pagnanakaw ng mga Grocery Items sa Taguig City nitong nagdaang Sabado.
Ayon sa balita ay pumasok sa isang Grocery Store ang Suspek sa Bonifacio Global City at kumuha ng mga Grocery Items, ngunit imbes dumiretso umano ng Cashier ay tinungo agad nito ang Exit.
Nang sitahin umano sya ng Guwardiya at hingan ng Resibo para sa mga dala dalang grocery items ay wala itong maipakita, dahilan upang agad syang ipahuli.
Nakuha sa suspek ang isang malaking pack ng diaper, 4 na pack ng gatas, isang pack ng hotdog, 10 pakete ng 3-in-1 coffee, at isang air freshener. May kabuuang P3,500 ang grocery items.
Kasalukuyang nakakulong ngayon ang Lalaki sa Taguig Police Station na Nahaharap sa reklamong Theft.
Umani naman ito ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga Netizens.
"Para sa anak lahat gagawin ni tatay para d lang magutom ang anak 😢😢😢", sabi ng isa.
"Ang pagnanakaw ay kailanman hindi tama, maliit man o malaki ang halaga. Pero sana ganyan din ginagawa sa mga buwayang nagnanakaw ng milyon milyon ,hinuhuli, pinagpi fingerprints, may mugshots, kinukulong, at kinakasuhan, hindi pinapardon basta basta.", sabi ng isa pa.
Inihalintulad naman ng isang Netizen ang senaryo sa mga politikong palihim umanong nagnanakaw sa kaban ng bayan.
"Hayyyy sabihin na natin na mali talaga yung ginawa nya pero di mo maiwasan na i compare sa mas malalaking magnanakaw eh bakit yung mga buwaya ng gobyerno huli pero hindi kulong? Bakit yung mga mahihirap na magnanakaw kulong agad? Ok lang na pairalin ang justice system pero sana for all. Sana walang pinipili. 🤦♀️🤦♀️🤦♀️"