Nitong nagdaang linggo nga ay nasaksihan ng siyudad ng Izmir sa Turkey ang isang mapaminsalang pagyanig ng Lupa o pag lindol.
Maraming Gusali ang talaga namang naapektuhan ng malakas na Lindol na iyon na kumitil sa mahigit 100 katao.
Ngunit sa gitna nga ng Search and Rescue Operation para sa mga gumuhong gusali ay isang magandang senaryo ang bumungad sa mga rescuer's.
Masaya kasing bumungad sa kanila si Ayda Gezgin na tinawag na ngayon ng mga opisyal ng Turkey bilang "Our Miracle" matapos nyang matagumpay na makaligtas ng higit sa 4 na araw sa ilalim ng gumuhong gusali ng kanilang Apartment.
Kasalukuyan nga umanong inaalis ang mga kongkretong nagpatung patong na ng marinig ng isa sa mga rescue worker ang iyak ng batang si Ayda.
Agad na ipinatigil ang pagpapatakbo ng mga Equipment at ng iba pang kagamitan upang maulinigan nila ang kinaroroonan ni Ayda.
At doon nga ay masayang nakita ng Rescue Team si Ayda na nasa ilalim ng Washing Machine na punong puno ng alikabok ang buong katawan.
Malaking tulong umano ang Washing Mashine na syang prumotekta sa bata ng maganap ang Paglindol at pag guho ng mga tipak na bato.
Habang kinukuha ng Rescue Team si Ayda ay sinabi nito na maayos lang naman daw sya, agad na humingi ang bata ng Youghurt drink at Turkish Meatballs, ay agad na hinanap ni Ayda ang kanyang Ina.
Sa kasamaang palad ay nasawi sa trahedya ang kanyang Ina samantalang ligtas naman ang kanyang Ama at Kapatid dahil nasa labas ito ng Apartment ng Lumindol.