Kaakibat ng pagbabagong ito ay ang pagbabago na rin ng pangarap ng bawat kabataang pinoy.
Karamihan kasi ngayon ay nagiging YouTube Vlogger na sa pagnanais na maging sikat at maging tulong pinansyal ang bagay na ito.
Nag Viral nga ngayong araw ang isang batang Vlogger na nagngangalang "Mary Grace Escober" sa Social Media Platform na Facebook.
Ikinatuwa kasi ng nga Netizens ang pagiging inosente at mapagpasalamat sa maliit na bagay ang nasabing batang Vlogger.
Sa kanyang Viral Facebook Post ay lubos syang nagpasalamat sa 2 Subscribers nya sa kanyang YouTube Channel Account, kung saan ipinakita nya na pinaghandaan nya pa ang sarili.
Mayroong tila maliit na chocolate barr na pinatungan ng kandila, kasama ang bawas na softdrinks, pagkain na mula sa McDo at ang kapirasong papel kung saan nakasulat pa ang "2 Subscribers Thank You".
Labis ngang ikinagalak ng Netizens ang post nyang ito kaya naman sa loob lamang ng less than 1 day ay humamig na ito ng higit sa 200k Reactions at 69K Shares.
Napansin din ng ilang Vlogger o Celebrities ang post na ito ng bata at shinare sa kanilang official page.
Kabilang na rito si Kiray Celis na ibinahagi ang post na iyon ni Mary Grace, aniya: "Hindi ko siya kilala. Pero suportahan natin yung pangarap ng batang to. Malayo mararating mo baby girl basta maging humble ka lang palagi at magpapakabait sa magulang mo. Subscribe tayo sakanya! 😍😍😍".
Samantala mula sa pagkakaroon ng 2 Subscribers ay pumalo na ito sa higit 100k Subscribers as of this writing na labis na ikinatuwa ng batang Vlogger.
Sa kanyang panibagong post nga ay labis labis ang kanyang pasasalamat; "Thank you all so much for the 73k subscribers and 100k views on my youtube channel. Thank you sa lahat na nag share ng post ko sobrang happy ko po dahil sainyong pag supporta sa akin. Thank you sa lahat na nag memessage sorry po hindi ko kayo mareplyan lahat. At syempre thankyou Lord for everything 🙏🏻❤️. God bless everyone!"
Isa ngang patunay ito na iba ang lakas ng Social Media kapag ito'y ginamit sa kabutihan.
Maaari nyo ring i Subscribe si Mary Grace sa link na ito: https://m.youtube.com/channel/UCPKPlPJjnvYLbXU32NThAvA