Thailand F4 ipinakilala na!, Bagong Leader nito pagkakaguluhan din kaya?

Thailand F4 ipinakilala na!, Bagong Leader nito pagkakaguluhan din kaya?

Thailand F4 ipinakilala na!, Bagong Leader nito pagkakaguluhan din kaya?


Ipinakilala na ng GMMTV, ang Network na nakatakdang gumawa ng Thailand Version ng sikat na sikat na series sa Asya na Meteor Garden.

 Pinakilala na nga sina Bright-Wachirawit Chewaree, Win-Methwin Opas Iamkajorn, Nani-Hirankrit Changkham,  at Dew-Jirawat Suthiwanitsak bilang ang bagong F4 ng bagong henerasyon.


Gaganap si Bright Chewaree bilang si Thyme na syang Arogante at Mayabang na Leader ng F4. Mahuhulog at mapapamahal sya sa isang babaeng hindi nya kagaya ng antas ng pamumuhay, gagampanan nya ang role na katumbas ng kay Dao Ming Si ng Taiwan Series.




Si Win Metawin naman ay gaganap bilang si Kavin na isang Babaero at Playboy ngunit may tinatago rin pa lang kaseryosohan sa buhay gagampanan nya ang role na katumbas ng kay Ximen ng Taiwan Series.




Si Nani Changkham naman ay gaganap bilang si MJ na baguhang artista umano sa Thailand pero tinitiyak ng producer na magagampanan nito ang role na katumbas ng kay MeiZuo ng Taiwan Series.




Si Dew Suthiwanitsak naman ay gaganap bilang si Ren na syang makakatapat ni Tyme(Bright) sa puso ng bidang babae, gagampanan nito ang role na katumbas ng kay Hua Zi Lei ng Taiwan Series.




Si Tu Tantivejakul naman ay gaganap bilang si Gorya na katumbas ng role ni Shan Cai sa Taiwan Series na syang papasok at magpapabago ng buhay ng F4.

Ayon sa producer ng nasabing remake ay pagkukunan nila ng Main Storyline ng sa Animated Series na Hana Yori Dango o ang pinaka puno't dulong kwento ng lahat. Ngunit dagdag na impormasyon pa nila ay ihahalaw na nila ang kwento sa bagong henerasyon kung saan hitik na hitik na pinaguusapan ang bullying.

Inaasahang ipapalabas ang naturang series sa Thailand sa susunod na taon.