Ogie Diaz para kay Alfred Vargaz: "Tigilan mo ako Alfred, Napaka INCONSISTENT MO!!"

Ogie Diaz para kay Alfred Vargaz: "Tigilan mo ako Alfred, Napaka INCONSISTENT MO!!"

Ogie Diaz para kay Alfred Vargaz: "Tigilan mo ako Alfred, Napaka INCONSISTENT MO!!"

"Napaka INCONSISTENT mo naman Alfred Vargaz"

Ito nga ang naging pahayag ng batikang Showbiz Columnist at sikat na Showbiz Manager na si Ogie Diaz sa ipinasang bill ni Alfred Vargaz sa Kongreso.

Nagpasa kasi ng Bill sa Kongreso si Alfred Vargaz na naglalayong magtayo ng Centralized Film Office sa bansa upang maka engganyo ng mga Film Makers na mag shoot dito sa ating bansa.

Sa nasabing Bill ay naglalayon itong mabigyan ng Incentives ang Foreign Film Makers na nanaising mag shoot ng kanilang pelikula dito, ani ni Alfred na nakatitiyak syang mag ge generate ng trabaho sa mga pinoy ang nasabing panukala nyang batas.

Nag ugat ang panukalang ito ni Alfred matapos kasing maudlot ang dapat sana'y pagsu shooting dito ng pelikulang "Mission Imposible" matapos na mas piliin nila ang bansang Thailand dahil sa mas maganda nitong offer pagdating sa Incentives and Discount.

Ngunit ipinag taas ito ng kilay ni Ogie Diaz dahil aniya, napaka inconsistent ng stand ni Alfred Vargaz pagdating sa umano'y nais nyang dagdag trabaho sa mga pinoy.

Matatandaang Isa si Alfred Vargaz ang nakatalaga upang bumoto kung bibigyan ng prangkisa ang ABS-CBN o tuluyan na itong ibabasura.

Sa nasabing botohan ay Nag Abstain nga si Alfred Vargaz at iginiit nya na dahil nang galing sya sa Showbiz World kaya minabuti nyang huwag na lamang bumoto.



Sa kanyang YouTube Channel ng mahingan sya ng kanyang opinyon, natawa na nga lang si Ogie Diaz dahil kung nais daw ni Alfred maghatid ng trabaho sa nakararaming Filipino ay bakit tila naging tikom ang bibig nya pagdating sa 11,000 empleyado ng ABS-CBN na tuluyan ng nawalan ng trabaho matapos na hindi ito nakakuha ng prangkisa.

Ani pa ni Ogie Diaz, "Wag na tayong mag echosan pa Alfred, natulungan ka rin naman ng ABS-CBN, kaya nga lang nung nag desisyon kang mag Abstain e either wala kang pakialam (sa 11,000 Employees) o ayaw mo lang madamay, sabi nga ni Manay Lolit kung sa pula ka sa pula ka, kung sa puti e di sa puti, dapat bumoto ka at panindigan mo."

"Tapos ngayon gusto mong tumulong sa Film Makers ng Abroad na dito gawin (ang pelikula nila) para mai-yabang ang pinas e dapat CHARITY BEGINS AT HOME dapat dito ka nagsimula, dapat inisip mo muna ang kapakanan ng mga Kapamilya workers na ngayon ay nawalan ng trabaho." Dagdag pa ni Ogie.

Napatanong pa tuloy si Ogie kay Alfred na kung sino ba ang dapat unahin, tayong pinoy o mga taga ibang bansa.

Dagdag pa ni Ogie na sana ay bumoto sya kahit pa natalo na ang ABS-CBN sa laban, dahil mas maganda na alam ng industrya ng TV ang stand nya pagdating sa mga empleyado nito.

Nagkasama na sa isang proyekto noon sina Alfred Vargaz at Ogie Diaz sa teleseryeng "Mutya". At nakilala si Alfred sa Showbiz World dahil sa kanyang ilang TV Projects.