Nauna ngang naibalita ang umano'y pagkakaroon ng proyekto ng ilang Kapamilya Stars sa Kapatid Network dahil na rin sa Blocktimer Partnership ng TV5 sa Brighlight Production.
Ibinalita kamakailan ang shows ng Brightlight Production sa pangunguna ng Star Magic Head na si Mr. M (Johnny Manahan) na mapapanood sa TV5.
Kabilang sa mga Kapamilya Stars na mapapanood doon ay sina Catriona Gray, Ian Veneracion, Beauty Gonzales, Dimples Romana, Alex Gonzaga at Piolo Pascual.
Kahit na ganito ay mananatili pa rin silang Kapamilya Stars dahil ang mga nasabing shows ay ipo produce ng Brighlight at hindi ng TV5, sa makatuwid ay nakiki renta lamang sila.
At ngayon ngang araw ay opisyal na inanunsyo ni Maja Salvador ang nalalapit nyang pagiging pansamantalang Kapatid na rin dahil sasamahan nya ang kanyang ama-amahan na si Mr. M sa journey nito sa TV5.
“Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga taong walang sawang sumusuporta sa akin at sa ABS-CBN.” Panimula ni Maja.
“Mga kapamilya, sasamahan ko po muna ang aking tatay na si. MR.M kaya sana wag po kayo magulat kung makikita niyo akong lumabas sa ibang network at patuloy makapagbigay ligaya sa inyo kahit sa anong paraan at plataporma." dagdag nito.
"Sana po ay tuloy tuloy niyo akong samahan at suportahan sa kahit anong landas na aking tatahakin. maraming salamat po.” 🤍
Kaya naman tiyak na mapapabilang na si Maja Salvador sa Sunday Variety Show ng TV5 under Brighlight Production na direktang tatapat sa ASAP Natin 'To ng ABS-CBN Kapamilya Channel.
Ang ilan nga nyang malalapit na Kaibigan ay agad na nagkumento at naging masaya sa naging desisyon ni Maja Salvador.
"I support You ♥️", sabi ni Julia Barretto.
"Love you my, Maja♥️♥️", sinabi naman ni Erich Gonzales.
At heart emoji rin ang ikinumento ni Kim Chiu rito; "MAJ♥️"
Sa kasalukuyan nga ay tila watak watak na ang ilang Kapamilya Stars dahil mapapanood na sila sa iba't-ibang platform kagaya na lamang sa Kapamilya Channel, iWant TFC at ngayon nga ay maging sa Kapatid Network na pagma may-ari ni Manny Pangilinan.
Ito ay matapos na hindi makakuha ng Prangkisa ang ABS-CBN at tuluyang nabasura nitong Hulyo ng taong ito sa Kongreso.