Usap usapan nga ngayon ang tinaguriang Low Budget Photoshoot ng isang Netizen na taga Tagbilaran City, Bohol
Ibinahagi nya kasi ang kanyang Behind the Scenes photos maging ang magandang resulta ng kanyang Low Budget Photoshoot.
Sa nasabing Photoshoot ay imbes kasi na gumamit sya ng nakagawiang DSLR upang makuha ang magandang anggulo ng kanyang modelo ay gumamit lamang sya ng isang Android Phone dahil wala sya umanong pambili ng mamahaling DSLR.
Dagdag impormasyon pa nito na ang mga ginamit nyang mga props sa nasabing Photoshoot ay mga dahon lamang na makikita sa kanilang bakuran.
Sa iba pang mga Photoshoot na kanyang ginawa ay makikitang gumamit din sya ng mga kagamitan nila na nasa loob lamang ng kanilang bahay kagaya na lamang ng Kulambo, Kaldero, Timba, Batya, Plato at maging ang mga kahoy na ginagamit nilang pang luto.
Tunay ngang Low Budget Photoshoot ang kaniyang ginawa dahil maging ang kanyang mga Modelo ay ang kanyang mga Kapatid at Pinsan nya, na sa kabila rin ng walang dagdag kolorete sa kanilang balat at mukha ay naipalabas niya ang kagandahan ng bawat isa.
Talaga ngang pinag usapan ang nasabing Low Budget Photoshoot na ito ni Cijan Cimagala, dahil bukod pa nga sa Low Budget Camera, Props at Model ay maging ang ginamit nyang Application upang ma edit ang mga litratong kinuha nya ay mga Apps na libre lamang na makikita sa PlayStore.
Narito ang mga Litratong Resulta ng pagiging malikhain ni Cijan Cimagala:
Makikita ang kanyang mga Obra Maestrang Litrato sa kanyang FB Profile na : Cijan Cimagala.
All Photos Credit to Cijan Cimagala the sole owners of all Photos.