Trending at Usap usapan nga ngayon sa Facebook ang post ng Netizens na nag ngangalang Jason Lauzon.
Sa Panahon kasing ito ng pandemya ay halos lahat ay pansamantalang nawalan ng trabaho dahil na rin sa pinairal na Lockdown upang masugpo ang Covid-19 virus.
Kabi kabila nga ang nagkakasakit dahil sa hawaan, kaya naman minabuti na ng Gobyernong magkaroon ng Lockdown na pangunahing dahilan ng kawalan ng hanap buhay ng nakararaming pinoy.
Ang ilan naman ay may kasalukuyan pang trabaho at kaakibat ang tripleng pag iingat upang hindi mahawa sa nakamamatay na Covid-19 virus.
Dahil sa kahirapan nga ngayong panahon ito pa ang nag udyok sa isang Guard upang mas lalo pang kumayod para sa kinabukasan ng kanyang pamilya.
Bukod sa pagiging isang Security Guard sa isang establisyemento ay naisipang magtinda ni Manong Guard ng Empanada na sariling gawa umano nila ng kaniyang asawa.
Ayon pa sa Guard ay may tatlo siyang anak kaya naman kinakailangan nyang kumayod ng matindi para dito.
Narito ang nasabing post na ngayon nga ay Trending at Usap usapan ng lahat:
"Ako : sir ano yan bago yan ha.
Guard : uy ikaw pala sir bili na empanada.
Ako : sige dalawa sarap Yan?
Guard : oo sarap to dalawa kame ni misis gumawa nyan.
Ako : aaa ilang piraso Yan lahat.
Guard : 80pcs Yan Yan nalang natitira.
Ako : ayos konti nalang ha. Magkano tubo mo Jan sir pag naubos.
Guard : 300 to 350 pang ulam mamaya pag uwi.
Ako : Sipag mo din sir nu napagsasabay mo trabaho mo pati pag hebenta Nyan
Guard : kailangan e alam mo naman mahirap Ang buhay tas 3 anak ko.
Ako : oonga e. Sige sir. Salamat Alis nako.
Guard : sige bukas bili ka ulit cheese roll naman.
Ako : sige sir pag napadaan ulit.
Guard : sige ingat.
Minsan Ang sarap din makipag usap sa ibang Tao. Yung di mo kakilala. Lalo Yung mga taong masisipag at lumalaban nang Patas sa buhay kahit Ang hirap nang buhay 😊"