Trending na nga at Usap Usapan na ang Pakikipagtalo ng isang Ginang sa ilang miyembro at opisyal ng Baranggay.
Sa Video na kuha mula kay Nielyn Mapajo ay makikitang nagkakaroon na ng matinding sagutan sa pagitan ng Ale at ng Opisyal ng Baranggay.
Nais kasing dalhin ng ilang kalalakihan na mula sa baranggay ang naturang ale matapos na makita nilang wala itong suot na Face Mask habang naglalaba ito sa kanilang bakuran.
Madirinig pa na bukod sa nais nila itong damputin ay pagmumultahin pa umano ito ng P1,000 dahil sa nagawa umano nyang Violation.
Makailang beses na nagpaliwanag ang Ginang na sa pagkaka alam niya na dapat mag suot ng Face Mask kung lalabas mismo ng kanilang bahay katulad na lamang ng pagbili sa mga Tindahan.
Ayon sa mga Opisyal ng Baranggay ay dahil nakikipag matigasan pa ang Ale ay maaari pa nila umano itong kasuhan sa loob ng 3 araw dahil sa naging asal nya.
Giit ng Ginang na Alam naman nya ang batas na kinakailangang magsuot ng Face Mask kapag lalabas ng bahay ngunit nasa harapan lamang umano sya ng pinto at sa bakuran naman nila sya naglalaba.
Iginiit naman ng kalalakihan na ang batas daw ay " Kapag wala ka sa loob ng bahay automatic dapat may Face Mask ka".
Sa dulo ng Video ay nanindigan ang Ginang na wala syang paglabag sa batas dahil naglalaba lang sya sa tapat mismo ng pinto nila at bakuran pa mismo nila ang kinalalagyan nya.
Aniya, bakit daw napaka Unfair ng batas para sa kanya dahil nasa bakuran sya ng kaniyang bahay ay pagmu multahin sya ng P1000 at kapag hindi nya ito nabayaran ay pakakasuhan agad sya ng mga nasabing Baranggay Officials.
Matatandaang Isinabatas ang pagsusuot ng Face Mask sa ating bansa bilang bahagi ng pagsugpo sa lumalalang kaso ng Pandemic COVID-19 sa atin.
Narito ang nasabing Video: