Estudyante pinagsungitan ng Admin ng kanilang School matapos na maayos na nagtanong dito, tinakot pang iba block Ito

Estudyante pinagsungitan ng Admin ng kanilang School matapos na maayos na nagtanong dito, tinakot pang iba block Ito

Estudyante pinagsungitan ng Admin ng kanilang School matapos na maayos na nagtanong dito, tinakot pang iba block Ito


Dahil nga sa paglaganap ng Pandemic sa buong mundo ay naging kakaiba ang naging pagtuturo para sa school year ngayong taon.

Sa kasalukuyan ay pinaiiral na ang Online Class kung saan sa pamamagitan ng Gadget ay doon na lamang tuturuan ng mga guro ang kani kanilang mga Estudyante, kaya naman ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ito ng mga Estudyante, mga Guro at ng buong Paaralan.

Ngunit tila hindi naging maganda ang pagpaparehistro para sa Online Class ng Facebook User na si Kidd, matapos kasi nitong magpasa ng kanyang Application ay tinanong nya ang kanilang Assistant Principal sa mismong Profile Account nito.

Sa kabila ng magalang na pagtatanong ni Kidd kung napabilang na ba sya sa listahan ng mga kumpirmadong nakapag enroll sa kanila ay tila nagalit pa ang nasabing Assistant Principal sa ginawang ito ni Kidd.

"Pwede bang mag message ka na lang sa page? Di naman ako sa Enrollment eh." Panimulang sabi ng Assistant Principal na si  Rhyan, na magalang namang sinagot ni Kidd ng "Okay sigii po salamat".

Ngunit tila nagalit pa ng tuluyan ang nasabing Assistant Principal matapos nitong pag sungitan pa si Kidd at tinakot pang iba block ito.

"1 week kang maghintay. Di porke nagpasa agad may section agad. Sabado lang kami nag e encode, tsaka pwede ba wag ka mag message dito, ibblock kita eh." Galit na sabi nito.

Na sinagot naman ni Kidd ng "Aww sir nagtatanong lang naman po hehe."

Dahil nga sa naging Encounter ng nasabing Estudyante ay minabuti nya ng tanungin ang Facebook Page ng kanilang paaralan upang mapanatag ang loob nya na mapabilang sa Online Class.

Ngunit tila mabilis na nakarating sa pamunuan ang nangyari kaya't maging ang nasabing page ay sinungitan din ang bata.

"Pwede ba wag ka nagmemessage sa personal FB ng Assistant Principal namin. Late ka na nga mag enroll inaabala mo pa sya." Sabi ng Admin na ni replyan nya ng "Nagtatanong lang naman po".

"Alam mo ba yung konsepto ng personal space? Ikaw lang ang aplikante na dumiretso sa kanya ah. Special ka ba?" Dagdag na tanong ng naturang Admin.

"Hindi naman po sa ganun kaya nga po nag tanong po ako ihh sa mga nakaka taas kase alam kopo sila po makakasagot." Sagot ni Kid sa Admin.

Umani nga ng kabi kabilang reaksyon ang nasabing usapan ng Estudyante, Assistant Principal at ng Admin ng Page ng kanilang paaralan, ani ng Netizens ay tila naging arogante ang itinuran ng nasabing Assistant Principal at hindi man lang isina alang alang ang magalang na pagtatanong ng Estudyante.

Burado na ang nasabing Viral Post ng Estudyante ngunit narito ang kanilang buong pag uusap: