Matapos ngang hindi mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN ay naging dahilan ito ng tuluyang pagsasara ng kanilang Television Airing, maging ang Radio Broadcasting ay nadamay na rin.
Dahil nga rito ay tuluyan na ngang napilitan ang kumpanya na magtanggal at maglagas ng kanilang 11,000 Employees kung saan tinatayang 5,000 Employees ang tuluyang natanggalan ng trabaho.
Ngunit meron mang lumisan ay meron pa ring matatag at nanatili sa poder ng ABS-CBN.
Ito nga ay si dating Vice President Noli De Castro na mananatili pa ring TV Anchor ng Flagship Newscast ng ABS-CBN na TV Patrol.
Sa kanyang DZMM Show nitong umaga ay binasa nya ang kumento ng isang listener kung saan sinabi nitong huwag daw sanang umalis sa TV Patrol ang nasabing batikang TV Anchor.
Agad naman itong sinagot ni Noli De Castro, “Ako po ang tunay na Kapamilya Forever. Nagsimula ako dito nang magsimula ang ABS-CBN after ng martial law.”
Bahagya pang nagbiro si Noli sa kanyang mga nasabi na; "“Martial law na naman, nandito pa naman ako, ay di pala martial law ‘yun.”
Ipinagdiinan pa ni Noli na sya ay 'Kapamilya Forever', at dinugtungan pa nya ng ; "Yung ibang nagsasabi di naman pala forever, Wala naman forever kasi", biro pa nya.
Matatandaang kamakailan lamang ay tuluyan ng namaalam si Ted Failon sa pamunuan ng ABS-CBN matapos ang higit sa 30 Taong pamamalagi nya bilang Kapamilya.
Matapos ang ilang araw ay pumirma na ng kaniyang official contract sa TV5 si Ted Failon kung saan makakasama nya pa ang MOR DJ na si DJ ChaCha at gagawa ng kani kanilang show doon.