Bakuna ng Rusia Hindi Ipagkakait Sa Mga Bansa

Bakuna ng Rusia Hindi Ipagkakait Sa Mga Bansa

Bakuna ng Rusia Hindi Ipagkakait Sa Mga Bansa
Ayon kay Russian Ambassador Igor Khovaev 'Ang Pilipinas ay magiging Southeast Asian hub para sa production ng kanilang bakuna.

Ayon sa Rusia, hindi ipagkakait sa mga bansa kapag ang bakuna laban sa COVID-19 ay naaprubahan. Isa ang Pilipinas sa mga bansa na unang makikinabang sa bakuna.

Ayon kay Russian Ambassador Igor Khovaev 'Ang Pilipinas ay magiging Southeast Asian hub para sa production ng kanilang bakuna.

Dagdag pa ni Khovaev na ang Russia pa lamang ang tanging bansa sa buong mundo na nag-offer na dito sa Pilipinas ng bakuna at tatawaging Sputnik V.

Dagdag pa ni Russian Ambassador Igor Khovaev, nasa ikatlo at huling phase na ang trial ng SPUTNIK V at maaaprubahan na ito. Magsasagawa rin ng trial dito sa susunod na linggo

Idinagdag ng ambassador na bagama’t marami ang nagdududa sa kanilang bakuna, inaanyayahan nila ang mga ito na sumali sa joint clinical trials para malaman kung gaano ito kaepektibo.

Hindi raw sila basta pupunta sa Pilipinas para ibenta ang kanilang bakuna at pagkatapos ay aalis na. Hindi raw ganito ang kanilang panuntunan kaya nilikha ang SPUTNIK. Sabi pa ng ambassador, sa kasalukuyan, 40 bansa na ang nakiki-cooperate sa Russia para labanan ang COVID-19.


Bukod sa Pilipinas, nagkaroon na rin ng clinical trial ang SPUTNIK sa Brazil, Saudi Arabia at United Arab Emirates (UAE). Isang Pinoy ang nakasama sa trial sa UAE at ayon dito wala siyang kakaibang nararamdaman mula nang bakunahan. 

Ayon sa isang Pinoy, pumayag siyang sumali sa trial para malaman ang magiging epekto at nang tuluyan nang malabanan ang coronavirus. Kung wala raw maglalakas ng loob para sumali sa trial, paaano malalaman ang bisa nito.

Source: Philstar