Nasa bahay kami nila lola no'n kasi magbabakasyon. Kasama ko yung mga pinsan ko sa kwarto ng lolo kong pumanaw na. Sa bintana ng kwarto kita mo yung puno ng santol at mangga. Nasa second floor yung kwarto kaya kung ilulusot mo yung kamay mo sa bintana ay abot kamay mo na yung mga bunga.
So, gabi na at tapos na din kaming kumain kaya umakyat kami sa kwarto para kumanta sa electricfan. Tawa kami ng tawa sa kwarto no'n kaso natigil ng nakarinig kami ng parang katok na nanggagaling sa kisame. Nagtinginan na kami ng mga pinsan ko at nagdadalawang isip kung titingala ba kami o tatakbo.
Tapos maya-maya natigil yung katok kaya pinagsawalang bahala namin at baka pusa lang na nag-aaway sa bubong kaso, goiz naulet pero this time, mas maingay. Yung katok na may pwersa gano'n.
Tapos nabigla kaming lahat kasi umiyak yung babae naming pinsan tapos parang takot na takot. Niyakap niya yung ate ko tapos naiyak siya sa dibdib ni ate. Yung isa ko namang pinsan naglakas loob na tumingala kaso bigla din siyang natulala do'n sa taas tapos bigla ding umiyak kaya hindi ko na talaga alam gagawin. Tapos yung katok palakas ng palakas kaya mas lalong umiyak yung dalawa. Kaya sumigaw ate ko.
"HOY PUSA! KUNG MAG-AAWAY KAYO 'WAG KAYO DITO!" sigaw niya. Tapos halatang natatakot na din.
Kaso sumagot yung mga pinsan kong umiiyak.
"Ate, hindi siya pusa," sabay iyak ulit.
"Bata siya, ate. Nakapatiwarik siya tapos naglalakad sa kisame." sagot nung isa ko pang pinsang umiiyak din.
Nagtaasan yung balahibo namin doon kaya kumaripas na kami ng takbo. Namumutla kami lahat no'n tapos kinwento namin lahat kila Mama kaya umuwi kaagad kami.